Pumunta sa nilalaman

Jesa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jesa
Hangul제사
Hanja祭祀
Binagong RomanisasyonKamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral.
McCune–ReischauerKamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral.

Ang jesa (Koreano제사; Hanja祭|祀) ay isang seremonya na karaniwang isinasagawa sa Korea. Nagsisilbi ang jesa bilang memoryal sa mga ninuno ng mga kalahok.[1] Karaniwang ginaganap ang jesa sa anibersaryo ng kamatayan ng ninuno. Isinasagawa ng karamihan ng mga Katoliko, Budista at walang pananalig ang mga ritong pangninuno, bagaman hindi isinasagawa ng mga Protestante.[2]

Mula sa pinagmulan nito, pumormal ang jesa habang umunlad ang sibilisasyon ng tao, na siyang itinatawag na mga ritwal sa Confucianismo.[3]

Noong 1939, inalis ang pagbabawal ng Katoliko sa mga pangninunong ritwal, nang pormal na kinilala ni Papa Pio XII ang mga ritong pangninuno bilang gawaing sibil.[2] Maraming mga Kristiyanong Koreano, lalo na ang mga Protestante, ay hindi na nagsasagawa nitong rito at iniiwasan ito sa lokal at sa ibang bansa.[4][5]

Mga uri ng ritwal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tipikal na nakahati ang mga ritong pangninuno sa 3 kategorya:[6]

  1. Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (차례, 茶禮) – mga ritwal ng tsaa na idinaraos nang 4 na beses sa isang taon sa mga pangunahing pista (Bagong Taon ng mga Koreano, Chuseok)
  2. Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (기제, 忌祭, tinatawag ding gijesa) – mga rito sa sambahayan na idinaraos sa gabi bago o umaga ng anibersaryo ng kamatayan ng ninuno (기일, 忌日).
  3. Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (시제, 時祭; tinatawag ding 사시제 o 四時祭) – mga pana-panahong rito na idinaraos para sa mga ninuno na may agwat na 5 o higit pang henerasyon (tipikal na idinaraos taun-taon sa ikasampung lunar na buwan)
Jesasang (lamesang pang-jesa)

Upang maisagawa ang mga ritwal na pangninuno, naghahanda ang pamilya sa bahay ng panganay na lalaki ng maraming uri ng pagkain at inumin tulad ng bino, sinabawang taro, baka, isda, tatlong gulay na may magkakaibang kulay, maraming uri ng prutas, at songpyeon (kakanin), lalo na ang mga pinaboran ng pumanaw.[4] Ang shinwi (신위, 神位) o lapida, na sumisimbolo sa espirituwal na presensiya ng ninuno, ay nakalagay sa gitna ng lamesa.[7] Sa modernong panahon, maaaring isagawa itong mga rito ng babaeng anak o nakababatang anak ng lalaki sa pamilya.

Pagkalipas ng hatinggabi o sa gabi bago ang anibersaryo ng kamatayan ng isang ninuno, inihahanda ng mga inapo ang dambana, na may tabing na papel na nakaharap sa hilaga at pagkaing inilatag sa mesang binarnisan tulad ng sumusunod: kanin, karne, at puting prutas sa kanluran, sabaw, isda, at pulang prutas sa silangan; na may prutas sa unang hanay, karne at isda sa ikalawa, gulay sa ikatlo, at kanin at sabaw sa huli.[8][9]

Sinusundan ang ganitong sekwensiya sa isang tipikal na rito:[8]

  1. Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (강신, 降神) – Ilang ritwal na pagbati ang tatawag sa mga espiritu.
  2. Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (초헌, 初獻, "unang alay") – Ang pinakamatandang lalaking inapo ang unang mag-aalay ng alak-bigas, na susundan naman ng kanyang asawa. Sa dulo ng unang ritwal na pag-aalay, magpapakita ang panganay ng kanyang paggalang sa pamamagitan ng dalawang yuko. Magyuyuko naman nang apat na beses ang asawa.
  3. Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (아헌, 亞獻, "ikalawang alay") – Mag-aalay rin ng alak ang pangalawang pinakamatandang lalaking inapo (karaniwan, ang mga susunod na panganay na lalaki o manugang).
  4. Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (종헌, 終獻, "huling alay") – Mag-aalay rin ng alak ang ikaltlong pinakamatandang lalaking inapo (karaniwan, ang mga susunod na panganay na lalaki o manugang). Magpapatuloy ang mga pag-aalay hanggang walang matira na lalaking inapo na may mataas na ranggo.
  5. Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (삽시, 揷匙, "pagpasok ng kutsara") – Ihahain ang ulam ng pinakamatandang lalaking inapo, sa lapida, sa pagdikit ng kutsara sa gitna ng mangkok ng kanin.
  6. Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (유식, 侑食, "hinimok na kainan") – Tatanggapin ng mga ninuo ang mga handog at makikibahagi sa kainan. Upang mangyari ito, ang mga kalahok ay aalis ng silid, na tinatawag na Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (합문, 闔門). Pagkatapos, sa Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (계문, 啓門) – babalik ang mga kalahok sa silid, pagkatapos ng ilang minuto. Isesenyas ito ng pinakamatandang lalaking inapo gamit ang dalawang pagtikhim.
  7. Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (헌다, 獻茶, "pag-aalay ng tsaa") – Iaalay sa mga ninuno ang tsaang gawa sa binusang bigas.
  8. Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (철상, 撤床, "pagtanggal ng lamesa") – Yuyuko nang dalawang beses ang lahat ng kalahok sa seremonya at paalisin ang mga espiritu hanggang sa susunod na taon. Lilinisin ang lamesa na may inialay na pagkain at alak, at susunugin ang isinulat na dasal na binigkas noong seremonya.
  9. Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (음복, 飮福, "biyaya sa pag-inom") – Hahatiin ng mga kalahok ang haing handog at makikibahagi sa piging. Ang pagkokonsumo ng ritwal na pagkain at alak ay itinuturing na mahalagang bahagi ng seremonya, dahil sumisimbolo ito sa pagtanggap ng mga biyayang ipinagkaloob sa pamilya.

Ang pagkain sa altar ay maaaring ipamahagi sa mga kapitbahay at kaibigan sa ritong Budista na tinatawag na shishik, na siyang isang anyo ng paggawa ng merito na, kasama ang pagbabasa ng sutra at pagbigkas ng mga turo ni Buddha, ay nagpapabilis sa pagpasok ng pumanaw na espiritu sa Sukhavati.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "National Folk Museum of Korea - 영어 > Collection > Folk story > Traditional Rites and Rituals > What is Jesa (Ancestral Rite)?" [Pambansang Museong Pambayan ng Korea - 영어 > Koleksiyon > Kuwentong pambayan > Mga Tradisyonal na Seremonya at Ritwal > Ano ang Jesa (Seremonyang Pangninuno)?]. www.nfm.go.kr (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-13.
  2. 2.0 2.1 Park, Chang-Won (10 Hunyo 2010). Cultural Blending in Korean Death Rites [Paghahalo ng Kultura sa mga Seremonyang Pangkamatayan ng Korea] (sa wikang Ingles). Continuum International Publishing Group. pp. 12–13. ISBN 978-1-4411-1749-6.
  3. 하늘을 제사한 환구단 병풍과 제기 공개 2015-05-04
  4. 4.0 4.1 4.2 Suh, Sharon A. (2004), Being Buddhist in a Christian World: Gender and Community in a Korean American Temple [Pagiging Budista sa Mundong Kristiyano: Kasarian at Komunidad sa isang Templong Koreano-Amerikano] (sa wikang Ingles), Limbagan ng Unibersidad ng Washington, p. 49, ISBN 0-295-98378-7
  5. Kwon, Okyun (2003). Buddhist and protestant Korean immigrants: religious beliefs and socioeconomic aspects of life [Budista at protestanteng imigranteng Koreano: mga paniniwala sa relihiyon at sosyo-ekonomikong aspeto ng buhay] (sa wikang Ingles). LFB Scholarly Publishing LLC. pp. 137–138. ISBN 978-1-931202-65-7.
  6. Bae, Choon Sup (Agosto 2007). "The Challenge of Ancestor Worship in Korea" [Ang Hamon ng Pagsamba sa Ninuno sa Korea] (PDF). Unibersidad ng Pretoria (sa wikang Ingles). Unibersidad ng Pretoria.
  7. "How to Hold Jesa" [Paano Mag-jesa] (sa wikang Ingles). 19 Setyembre 2010. Nakuha noong 24 Pebrero 2012.
  8. 8.0 8.1 Courtney, Charles; Jung Young Lee (1997). East wind: Taoist and cosmological implications of Christian theology [Silangang hangin: Mga implikasyong taoista at kosmolohiko ng teolohiyang Kristiyano] (sa wikang Ingles). University Press of America. ISBN 978-0-7618-0861-9.
  9. Ang itinakdang pamamaraan sa Hanja ay tulad ng sumusunod: 飯西羹東, 紅東白西, 魚東肉西,頭東尾西。 (반서갱동, 홍동백서, 어동육서,두동미서). [1] Naka-arkibo 2012-08-03 at Archive.is